Kill ‘em all

10 06 2008

Sa Wakas ay may bumuhay ulit sa torrent ng complete Metallica albums and concerts. At sa wakas ay nakumpleto ulit ang kuleksyon ko. Halos kumpleto ko na kasi dati. nasira lang ang folders nung tinamaan ako ng isang matinding virus na sobrang hirap pigilan at alisin. Nacorrupt lahat ng folders na madalas kong inaaccess. *tae





Birthday na naman!

10 06 2008

May 18, . . . bday ko!!!! ang mga bisita? si KulOt, CESAR, James. Cyempre kumpleto ang pamilya, nga lang. wala c Daddy – tito ko. Tsibog to da max dahil galing pa sa bicol ang mga putahe, at sinundo ko pa sa terminal ang lola ko nang madaling araw at siyempre, kargador na naman ako ng bigas, kamote, halaman, sisiw, ibon, at cake na padala ni auntie Rosie at auntie Esther. Hehe, anyways, masaya naman at nalasing si Cesar. hahahahaha! Konti lang naimbita ko dahil nabura sa contacts ko ang iba dahil sa pagrereformat ng fone ko. Next year na lang sa ibang mga di ko natawagan, ehehehe

kain, yosi, inom, tulog. haay sarap magbirthday!





Asar..

20 05 2008

Haaayyy, kita kits n lng ulit next week, nagapply p kc ako panibagong DSL dahil sa sakit ng ulo ko sa smart bro..anyway, kwento ko next time, nagmamadali kc ako, salamat pa rin sa pagbisita sa natutulog na blog na ito.

Share ko lang ang pinakapogi kong picture

ENJOY!!!





ANG KULEEETTT!!

20 04 2008

para sa katulad kong video editor, ang paglabas ng bahay/office at maaninag ang araw ay isang sakripisyo.

*masakit kasi talaga sa mata*

Pero dito sa lugar namin, hindi lang yun ang problema, >> nadagdagan pa ang kabuwusitan sa tuwing bibili ka ng yosi dahil sa isang batang animo’y kakambal ni maximo olivares…haaayyy. ang kulit talaga

umaga na, oras na para bumili ulit ng yosi dahil hindi kakasya ang isang kaha sa magdamag para samin

AWTOR: *naglalakad papuntang tindahan*

batang bading: hi kuya! anong pangalan mo? san ka nakatira?

AWTOR: *dedma lang kunyari bingi*

batang bading: kuya, ang suplado mo naman! kuya, ang cute mo, mahal na ata kita kuya”

AWTOR: AHAHAHAHAHAHA! hoy ang bata mo pa, ganyan ka na! isusumbong kita sa tatay mo

batang bading: ay, wala na po akong daddy, wala na cya

AWTOR: *kamot*

AWTOR: miss, pabili nga ng isang kahang marlboro at dalawang pisong kendi

tindera: kuya, kinukulit ka ba nyan? pagpasensyahan mo na at may tililing yan *sabay abot ng yosi at kendi*

AWTOR: *ibinulsa ang mga pinamili*

batang bading: kuya pahingi naman! *sabay dukot sa bulsa ng inyong AWTOR at nakakuha ng kendi

AWTOR: HUY! anong ginagawa m0! lintik ang landi ng batang to! *sabay alis* *kamot*

tindera: hoy bakla, tigilan mo nga yan!

batang bading: *sumigaw* KUYA ANONG CELL # MO?!?

AWTOR: *kamot uli habang naglalakad papalayo*

batang bading: AY, NICE TALKING..ANG SUPLADO MO KUYA, I HATE YOU NA!!! PANGET!!!

AWTOR: *buwisit na naglalakad papalapit sa kanto ng bahay, nagtinginan lahat ng mga inday sa labas*

AWTOR: *bubuksan na lang ang pinto nang may marinig uling sigaw*

batang bading: OY KUYA JOKE LANG! I LAB YOU!!!

*ANAK NG !@$#! BUWISIT!*





…..zzZZ

16 04 2008

Kape at sangkatutak na yosi. Gasolina namin sa magdamag. Suicide sabi nga nila. Syempre di rin pla mawawala ang Boy bawang at Happy.

antok na ko





After 3 straight days of work…

15 04 2008

After 3-4 straight days of work…ganito kaagad ang nangyayari sa kwarto





Our Wackiest Shot!

15 04 2008

hehehehe.