Napansin ko lang, at siguradong napansin nyo rin, ang gulo ng page ko ano?
hehe* ayaan nyo aayusin ko n lng next time mga posts ko.
Cge Paalam!
Napansin ko lang, at siguradong napansin nyo rin, ang gulo ng page ko ano?
hehe* ayaan nyo aayusin ko n lng next time mga posts ko.
Cge Paalam!
para sa katulad kong video editor, ang paglabas ng bahay/office at maaninag ang araw ay isang sakripisyo.
*masakit kasi talaga sa mata*
Pero dito sa lugar namin, hindi lang yun ang problema, >> nadagdagan pa ang kabuwusitan sa tuwing bibili ka ng yosi dahil sa isang batang animo’y kakambal ni maximo olivares…haaayyy. ang kulit talaga
umaga na, oras na para bumili ulit ng yosi dahil hindi kakasya ang isang kaha sa magdamag para samin
AWTOR: *naglalakad papuntang tindahan*
batang bading: hi kuya! anong pangalan mo? san ka nakatira?
AWTOR: *dedma lang kunyari bingi*
batang bading: kuya, ang suplado mo naman! kuya, ang cute mo, mahal na ata kita kuya”
AWTOR: AHAHAHAHAHAHA! hoy ang bata mo pa, ganyan ka na! isusumbong kita sa tatay mo
batang bading: ay, wala na po akong daddy, wala na cya
AWTOR: *kamot*
AWTOR: miss, pabili nga ng isang kahang marlboro at dalawang pisong kendi
tindera: kuya, kinukulit ka ba nyan? pagpasensyahan mo na at may tililing yan *sabay abot ng yosi at kendi*
AWTOR: *ibinulsa ang mga pinamili*
batang bading: kuya pahingi naman! *sabay dukot sa bulsa ng inyong AWTOR at nakakuha ng kendi
AWTOR: HUY! anong ginagawa m0! lintik ang landi ng batang to! *sabay alis* *kamot*
tindera: hoy bakla, tigilan mo nga yan!
batang bading: *sumigaw* KUYA ANONG CELL # MO?!?
AWTOR: *kamot uli habang naglalakad papalayo*
batang bading: AY, NICE TALKING..ANG SUPLADO MO KUYA, I HATE YOU NA!!! PANGET!!!
AWTOR: *buwisit na naglalakad papalapit sa kanto ng bahay, nagtinginan lahat ng mga inday sa labas*
AWTOR: *bubuksan na lang ang pinto nang may marinig uling sigaw*
batang bading: OY KUYA JOKE LANG! I LAB YOU!!!
*ANAK NG !@$#! BUWISIT!*
Biyernes ng hapon, may natanggap akong tawag sa tita ko. Si Purs, ang nagiisang tuta na pinamigay namin, sa lola ko, sinugod sa clinic…di namin alam kung anung nangyari, cguro dahil sa sobrang likot nya, naumpog cya or bumagsak, walang nakakaalam…sumuka cya ng dugo, namumutla, puti ang dila, at nangingitim ang leeg..agad syang tinurukan ng 2 beses ng vet, isa para sa nerves daw, at isa para sa pain.
di ko alam ang gagawin, dahil nasa bahay ako at may nirurush na editing. lahat kami sa bahay ay kabado, pati na rin sa lola ko.
pinauwi rin si Purs kaagad ng vet. malakas daw sya at kakayanin nya, worried pa rin kami lahat sa kabila nito.
lalo na ko, dahil ako ang responsable sa agarang paghihiwalay kay Purs sa mommy nyang c Bacon. ito ay dahil na rin sa sinabi ng vet na nabanggit na ok na daw ihiwalay – C doc Billy.
tumawag sina tita ulit para ibalitang ok na daw ang tuta, umiinom na at maayos na ang kulay nya. natuwa kaming lahat, at sa wakas nakahinga ng maluwag.
di namin inaasahan, about 1 hour later, nagtext c tita at sinugod sya ulit sa clinic..ayun wala na cya.. anak ng @#$!@!@!
bigla cyang naghingalo. mabilis ang pangyayari, wala na sya. badtrip ang lahat, malungkot, sa bahay namin at sa bahay ng lola ko..
ganun lang kabilis, para kaming namatayan ng anak ni Glez. umiyak sya magdamag. si tita at ems(ang mga nagaasikaso kay Purs) hagulgol din. inabot pa muna ng ilang oras bago sya inilibing, balot ng paboritong T-Shirt ng tita ko.
Up to now apektado pa rin kami, di ko na hahabaan to dahil nalulungkot lang ako at naggguilty.
ano kaya ang nangyari, walang nakakaalam hanggang ngaun. basta nabagok ang ulo nya, at malakas yon malamang dahil twice sya sumuka ng dugo..
C Purs ang paborito sa anim na pups ni Bacon at Booger. Siya kasi ang pinakaalagain, pinakamaliit, pinakamalikot at pinakamalambing (isama na rin natin ang pinakaphotogenic dahil magaling sya magpose)
Kung nasan man sya ngaun, sana maraming dogfood at laruan doon. sana rin meron pa rin siyang katabi sa pagtulog. GoodBye Purs.. WE LOVE YOU!!!!!!
-Purs’ Family
***Purs-taken from my lola’s name which is Purisima. hehe, info lang
Larawan ng mga taong gutom, puyat at nanlalambot. break time na kapag nagumpisa nang kumain mga tao, un nga lang kailangan may isa pa ring naglilibot..at si marlon un. hahahahaha!
salamat nga pla sa BricoPack Lon, lupit! try nyo, Vista theme cya na medyo mac.
eto cya http://www.crystalxp.net/galerie/en.id.130.htm
Recent Comments