My Susie Girl

16 06 2008

Welcome to our family!





Pahabol

16 06 2008

Ito naman ang video nila Bacon at Booger nung kids pa sila





Bacon?

11 06 2008

gusto ko lang ishare sa inyo ang video ng aming mahal alaga nung siya ay 2months pa lamang ^_^





Kill ‘em all

10 06 2008

Sa Wakas ay may bumuhay ulit sa torrent ng complete Metallica albums and concerts. At sa wakas ay nakumpleto ulit ang kuleksyon ko. Halos kumpleto ko na kasi dati. nasira lang ang folders nung tinamaan ako ng isang matinding virus na sobrang hirap pigilan at alisin. Nacorrupt lahat ng folders na madalas kong inaaccess. *tae





Birthday na naman!

10 06 2008

May 18, . . . bday ko!!!! ang mga bisita? si KulOt, CESAR, James. Cyempre kumpleto ang pamilya, nga lang. wala c Daddy - tito ko. Tsibog to da max dahil galing pa sa bicol ang mga putahe, at sinundo ko pa sa terminal ang lola ko nang madaling araw at siyempre, kargador na naman ako ng bigas, kamote, halaman, sisiw, ibon, at cake na padala ni auntie Rosie at auntie Esther. Hehe, anyways, masaya naman at nalasing si Cesar. hahahahaha! Konti lang naimbita ko dahil nabura sa contacts ko ang iba dahil sa pagrereformat ng fone ko. Next year na lang sa ibang mga di ko natawagan, ehehehe

kain, yosi, inom, tulog. haay sarap magbirthday!





Im Back!

8 06 2008

Whew, sa wakas may connection na ko ulit. matagal tagal n rin akong nawala. yan kasing contractor na yan ng smart bro, di ako nilagyan ng tubo na dapat ay meron naman talaga para mapagkabitan ng unit. Nilagay ba naman ang unit ko sa tubo ng kapitbahay!!?? kainis, kaya nung nag pull out na ung kapit bahay ko, pati ako damay! Syeet, nawalan ako ng gana at nagapply naman sa bayan DSL, so far maayos naman service nila. hmm… marami akong bagong kwento, . . . uhh, kaso sa susunod na lang ang videos dahil nagcacapture ako ngayon.

gusto ko lang maupdate muna ang blog na ito. tiyaga muna sa pictures ;p

April 24, Birthday ni Glez, sa bahay nila. kami kami lang…may mga bisita sana kaso di dumating. ahem. alam nyo na un

Siyempre di papahuli ang master namin!

yun lang. Ipost ko na lang ang video dahil tinatamad muna kong magupload dahil nanunuod pa ko ng DVD. Minsan lang kasi makatsamba ng malinaw, -dvd copy kung tawagin ng mga ate.





Asar..

20 05 2008

Haaayyy, kita kits n lng ulit next week, nagapply p kc ako panibagong DSL dahil sa sakit ng ulo ko sa smart bro..anyway, kwento ko next time, nagmamadali kc ako, salamat pa rin sa pagbisita sa natutulog na blog na ito.

Share ko lang ang pinakapogi kong picture

ENJOY!!!





Organized

21 04 2008

Napansin ko lang, at siguradong napansin nyo rin, ang gulo ng page ko ano?
hehe* ayaan nyo aayusin ko n lng next time mga posts ko.

Cge Paalam!





ANG KULEEETTT!!

20 04 2008

para sa katulad kong video editor, ang paglabas ng bahay/office at maaninag ang araw ay isang sakripisyo.

*masakit kasi talaga sa mata*

Pero dito sa lugar namin, hindi lang yun ang problema, >> nadagdagan pa ang kabuwusitan sa tuwing bibili ka ng yosi dahil sa isang batang animo’y kakambal ni maximo olivares…haaayyy. ang kulit talaga

umaga na, oras na para bumili ulit ng yosi dahil hindi kakasya ang isang kaha sa magdamag para samin

AWTOR: *naglalakad papuntang tindahan*

batang bading: hi kuya! anong pangalan mo? san ka nakatira?

AWTOR: *dedma lang kunyari bingi*

batang bading: kuya, ang suplado mo naman! kuya, ang cute mo, mahal na ata kita kuya”

AWTOR: AHAHAHAHAHAHA! hoy ang bata mo pa, ganyan ka na! isusumbong kita sa tatay mo

batang bading: ay, wala na po akong daddy, wala na cya

AWTOR: *kamot*

AWTOR: miss, pabili nga ng isang kahang marlboro at dalawang pisong kendi

tindera: kuya, kinukulit ka ba nyan? pagpasensyahan mo na at may tililing yan *sabay abot ng yosi at kendi*

AWTOR: *ibinulsa ang mga pinamili*

batang bading: kuya pahingi naman! *sabay dukot sa bulsa ng inyong AWTOR at nakakuha ng kendi

AWTOR: HUY! anong ginagawa m0! lintik ang landi ng batang to! *sabay alis* *kamot*

tindera: hoy bakla, tigilan mo nga yan!

batang bading: *sumigaw* KUYA ANONG CELL # MO?!?

AWTOR: *kamot uli habang naglalakad papalayo*

batang bading: AY, NICE TALKING..ANG SUPLADO MO KUYA, I HATE YOU NA!!! PANGET!!!

AWTOR: *buwisit na naglalakad papalapit sa kanto ng bahay, nagtinginan lahat ng mga inday sa labas*

AWTOR: *bubuksan na lang ang pinto nang may marinig uling sigaw*

batang bading: OY KUYA JOKE LANG! I LAB YOU!!!

*ANAK NG !@$#! BUWISIT!*





In Loving Memory of Purs….

20 04 2008

Biyernes ng hapon, may natanggap akong tawag sa tita ko. Si Purs, ang nagiisang tuta na pinamigay namin, sa lola ko, sinugod sa clinic…di namin alam kung anung nangyari, cguro dahil sa sobrang likot nya, naumpog cya or bumagsak, walang nakakaalam…sumuka cya ng dugo, namumutla, puti ang dila, at nangingitim ang leeg..agad syang tinurukan ng 2 beses ng vet, isa para sa nerves daw, at isa para sa pain.

di ko alam ang gagawin, dahil nasa bahay ako at may nirurush na editing. lahat kami sa bahay ay kabado, pati na rin sa lola ko.

pinauwi rin si Purs kaagad ng vet. malakas daw sya at kakayanin nya, worried pa rin kami lahat sa kabila nito.

lalo na ko, dahil ako ang responsable sa agarang paghihiwalay kay Purs sa mommy nyang c Bacon. ito ay dahil na rin sa sinabi ng vet na nabanggit na ok na daw ihiwalay - C doc Billy.

tumawag sina tita ulit para ibalitang ok na daw ang tuta, umiinom na at maayos na ang kulay nya. natuwa kaming lahat, at sa wakas nakahinga ng maluwag.

di namin inaasahan, about 1 hour later, nagtext c tita at sinugod sya ulit sa clinic..ayun wala na cya.. anak ng @#$!@!@!

bigla cyang naghingalo. mabilis ang pangyayari, wala na sya. badtrip ang lahat, malungkot, sa bahay namin at sa bahay ng lola ko..
ganun lang kabilis, para kaming namatayan ng anak ni Glez. umiyak sya magdamag. si tita at ems(ang mga nagaasikaso kay Purs) hagulgol din. inabot pa muna ng ilang oras bago sya inilibing, balot ng paboritong T-Shirt ng tita ko.

Up to now apektado pa rin kami, di ko na hahabaan to dahil nalulungkot lang ako at naggguilty.

ano kaya ang nangyari, walang nakakaalam hanggang ngaun. basta nabagok ang ulo nya, at malakas yon malamang dahil twice sya sumuka ng dugo..

C Purs ang paborito sa anim na pups ni Bacon at Booger. Siya kasi ang pinakaalagain, pinakamaliit, pinakamalikot at pinakamalambing (isama na rin natin ang pinakaphotogenic dahil magaling sya magpose)

Kung nasan man sya ngaun, sana maraming dogfood at laruan doon. sana rin meron pa rin siyang katabi sa pagtulog. GoodBye Purs.. WE LOVE YOU!!!!!!

-Purs’ Family

***Purs-taken from my lola’s name which is Purisima. hehe, info lang